Mapapamura ka talaga…


Oo, tagalog post ako ngayon. Medyo mas maganda kasi ang dating kung tagalog.

Hanggat kaya ayoko mag-post ng tungkol sa politika, gobyerno, o kahit anong mga pang-nasyonal na isyu pero nakakainis na talaga.

Araw araw akong nagbabasa ng http://www.abs-cbnnews.com para naman alam ko nangyayari sa bansa natin. Medyo napipikon na ako sa mga nababasa ko.

Kung kayo ay nagbabasa din ng mga balita, alam nyo naman siguro na may linabas na report ang World Bank na may nagmamanipula sa mga bidding sa mga projects sa pinas. Nagkaroon ng imbestigasyon sa senado tungkol dito pero nauwi sa wala. Dahil daw kulang ang ebidensya na binigay ng WB (World Bank) sa kanila.

PUTANGINA!

Ano ba namang rason yan! Kung ikaw ay may negosyo at may nagsabi sayo na may nagnanakaw sa petty cash mo pero yun lang ang impormasyon na hawak mo, sasabihin mo ba na kulang ebidensya, hayaan na lang natin. Anak ng, syempre hinde, syempre mag iimbestiga ka. Lalo na kung isang malaking institusyon nagsabi sayo. Ang masakit pa dito e Ombudsman pa mismo nagsabi nito.

At the hearing, Gutierrez told senators that the WB’s “referral report”, a 9-page confidential report on the summary of the bank investigation that led to the blacklisting of a number of contractors, gave the Ombudsman barely any evidence or witnesses’ names to pursue the probe. She also stressed that the WB referral report that her office received was “full of restrictions” and only had a one-paragraph conclusion.

Ewan ko ba sa ombudsman na yan, parang walang pakialam sa lahat ng corruption na nangyayari sa bansa. Tinuringan kang tanod ng bayan, Hindi Tanod ng Bayad. Tingnan mo nagawa nung nauna sayo.

This was precisely what Gutierrez’ predecessor, Simeon Marcelo, did when he received information from the US Customs that the sons of former Armed Forces comptroller Maj. Gen. Carlos F. Garcia were apprehended by border officials for carrying with them thousands of dollars of undeclared currency in December 2003, the other source said.

At the time, the only documents the US Customs sent were uncertified copies of documents concerning the apprehension of Garcia’s sons and the statements made by his wife.

Marcelo, however, used the information to probe deeper into Garcia’s finances. The probe later resulted in the filing of forfeiture cases against Garcia’s properties and the filing of plunder charges against Garcia himself. (sources: http://www.abs-cbnnews.com/nation/02/13/09/advice-ombudsman-dont-wait-wb-spoon-feed-you)

Kaya naman mag-imbestiga kung gugustuhin e. Ano ba gusto ng Ombudswoman natin? Ibigay sa kanya kung sino mga salarin kasama lahat ng ebidensya at testigo? Gawin mo trabaho mo!

Tapos sunod mo pang mababasa e itong DOJ secretary natin na ewan ko ba. Parang walang Filipino Pride. Nagkaroon ang Korte Suprema ng desisyon na dapat e nasa kustodiya ng pinoy si convicted rapist US Marine Lance Corporal Daniel Smith at hindi sa US embassy nakapalagi. Tapos si Hon. Secretary Raul Gonzales, habang wala pang negosasyon sa U.S., e nagpanukala na kagad na pwede namang sa Philippine Embassy sa Amerika ilagay si Smith. Anak ng, ano ba naman yan. Proteksyonan mo naman ang interest ng ating bansa. Wala pa ngang negosasyon bumibigay ka na.

The SC ruled that Smith–convicted in 2006 for raping a Filipina in Subic bay–should be detained “under Philippine authorities.”

Gonzalez said this could mean that embassies and mission-offices, including the Philippine embassy in the United States, may qualify as possible places for the detention of Smith.

“The Philippine embassy in Washington is Philippine territory, the Philippine Mission in UN [United Nations] in New York. Anybody inside that is under our authority, that’s why embassies can be used for asylum,” said Gonzalez.

Sa totoo lang, ginagawa tayong tanga ng mga taong to. Isa pa dyan ay ng ating Senate President Juan Ponce Enrile. Nagkaroon ng report noong nakaraang linggo na dumadami na yata ang mga retired generals sa kabinete ng Pangulo. Sabi ni Enrile, hindi tayo dapat mabahala kasi retired na ang mga yan at wala nang impluwensya sa mga sundalo.

Ginagago mo yata kami e.

Kung matatandaan nyo and Edsa Dos. May kataga si Ramos na sinabi. “Never underestimate the retired Generals” sabay kinahapunan e nalaman na lang natin na bumaligtad na ang mga heneral. Ang balita e dahil sa impluwensya ng mga retired generals.

Kasalanan to ng mga oposisyon sa senado e. Majority na nga kayo tapos nag away away pa kayo. E di natuwa naman si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa inyo. Nagkawatak watak ang oposisyon. May kanya kanya ng agenda. At ang administrasyon? Solid pa rin.

Ewan ko ba, parang ngayon matanda na ako at nakakaintindi na sa mga bagay bagay sa mundo, parang gusto ko uli maging bata na walang pakialam sa mga pangyayari sa bansa.

Advertisements

About Squared
House of Squared is written by that guy who knows more than the average Duterte supporter, which isn't saying much given that most of them are morons.

One Response to Mapapamura ka talaga…

  1. The Answer says:

    Eto para mapamura ka pa…
    http://www.zeitgeistmovie.com/
    stream mo lang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: